I got this from my multiply entry last year.
It's so funny reading something I wrote years ago. While cleaning my stuffs yesterday, I found this. =DMs. Shaira Salvador, one of ABS-CBN's finest scriptwriters and our former professor (I'm not bragging naman noh?! Hehe!Really, I'm just proud of her.) gave us the words above. In an hour, we were asked to make a story out of them. This is what I did.
Tag-ulan na naman! Eto ang gustung-gustong panahon ni Maira... Mag-emote! Wala
lang! Tumingin sa bintana - silipin ang mga pinaggagagawa ng kanyang mga
kapitbahay habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Napatingin s'ya sa bahay ni
Mang Tasyo at natawa! "Eto talagang si Mang Tasyo! Walang tigil ang sayaw
umulan man o umaraw.. Paborito n'ya ang Pandanggo.Kahit walang kapareha, wala
s'yang pakialam. Sayaw, sayaw, sayaw!" Naisip ni Maira.
Nabaling naman ang
tingin ni Maira sa ilog. Dahil nga tag-ulan, marahil ay mapuno na naman ito at
baka bumaha. "Paano nalang pag bumaha?" Habang iniisip ito, nakita n'ya
ang gitara ni Daniel, sira na naman! Ayun at lumulutang na nga pala sa ilog!
"Heto talaga si Daniel, walang pinagbago! Magmula nung bata, hindi na natuto
magpahalaga sa mga ibinibili ng Lola Debra n'ya. Naku! Siguro'y nalulungkot na
naman 'yung matanda. Akalain n'yo bang ibinenta pa nito ang engagement ring
nilang mag-asawa para lang mabili ang gitarang ito." Hindi nga nagkamali si
Maira. Umiiyak nga ang lola ni Daniel na nakatulala sa ilog habang nakaupo sa
tindahan ni Aling Maria.
Teka, nasaan nga pala ang aling 'yun? Ba't wala sa
tinahan n'ya? Naku! Andun pala sa kalsada! Tumatawa't nagpapaulan! Ganyan talaga
s'ya... Parang bata! Tuwang-tuwa kapag umuulan!! Inaalala n'ya lang ang mga
masasayang araw nila ni Mang Julio. Haaayyy! Tandang-tanda pa ni Maira ang mga
paghihirap ni Aling Maria nang mamatay ang asawa nito. Paano ba naman eh sumali
yata ito sa giyera sa abroad! Hindi na nakita ang katawan nito at tanging diary
lamang na may bahid ng dugo nito ang pinanghahawakan ng asawa. Mabuti nalang at
okay na s'ya ngayon. Pero kahit patawa-tawa lang s'ya, kita pa rin ni Maira ang
lungkot sa kanyang mga mata.
Humihina na ang ulan... Napangiti nalang si
Maira habang nakatingin pa rin sa bintana.Bigla nalang s'yang tumakbo at
sinamahan na rin si Aling Maria. "Haayy, ang sarap talagang maligo sa ulanan!"
No comments:
Post a Comment